Masayang nagtapos ng school year 2007-2008 ang mga anak natin sa Kids at Home. Tatlo sa ating mga grade school ng Patubig Elementary School ang nag-uwi ng karangalan noong March 27. Mula sa higit 700 student population ng nabanggit na paaralan, tatlo mula sa Kids at Home family ang nagkamit ng karangalan. Si Dave, grade 2 ay pinarangalan bilang third honor at si Mico grade 5 at Jecelyn grade 3 ay parehong kinilala bilang “Most Helpful”. Nakumpleto ang aming pagdiriwang noong sumunod na araw, March 28 sa SM Marilao Entertainment Plaza kung saan isinagawa ang Marilao Day Care Graduation. Mayroon tayong tatlong mag-aaral ng Day Care na nagsitapagtapos. Masayang –masaya ang magkapatid na Jessa at Jecebel sa kanilang bagong damit, sapatos at puting toga. Matamis ang kanilang mga ngiti habang nilalagyan sila ng make-up ni Mommy Lolet lalo na nung sinabitan pa sila ng sampaguita. Ngunit labis ang aking tuwa ng si Jericho “Kiko” Jubay ang nanguna sa panalangin. Buong-buo ang loob ng mga bata habang sila ay tumatanggap ng certificates at mga regalo. Higit sa lahat ang matawag ang pangalan ni Kiko bilang “Most Outstanding” pupil of Patubig Day Care Center. Tunay na di mapapantayan ang kaligayahan na makita mo ang pagkilos ng Diyos sa mga batang ito. Isang taon na ang lumipas ng sila ay dalhin sa Kids at Home na walang tsinelas,may mga sugat at balot ng takot, hirap at pagtatanong ang kanilang mga mukha. Ngunit tunay na buhay ang Diyos at anumang ating ipagkatiwala sa kanya ay kanyang aayusin at pagtatagumpayin! Dalaw kayo sa Kids at Home ha! [CST]

|